Paano gumagana ang mga cool roof

Overhead view of cool roof painting.
Mga passive strategy sa pagpapalamig
Ang mga cool roof ay isa sa mga passive strategy na makakatulong upang panatilihing malamig ang mga gusali. Nakakatulong ang mga passive strategy na kontrolin ang temperatura sa loob ng gusali ng hindi ginagamitan ng kuryente. Ang ilan sa mga ito ay pinipigilan ang pagpasok ng init sa gusali at ang iba ay mabilis na pinapalabas ang init.

Natuklasan sa aming pananaliksik na ang pinakamahusay na solusyon sa karamihan ng mga klima ay ang paggamit ng cool roof na may kasamang mainam na bentilasyon at mga gumaganang shutter sa labas ng gusali upang takpan ang mga bintana.

Paano gumagana ang mga cool roof

Pinipigilan ng cool roof ang init ng araw na pumasok sa isang gusali. Ang isang ordinaryong cool roof ay gumagamit ng mga coatings upang i-reflect ang sikat ng araw at ilabas ang init mula sa gusali patungo sa labas. Maaaring ilagay ang mga coatings na ito gamit ang mga karaniwang kagamitan at ito ay kadalasang bagay sa iba't ibang uri ng bubong tulad ng kongkreto, metal, fiber cement, at marami pang iba. Ang ilang mga cool roof coating ay waterproof din.

Posible rin na makahanap ng mga cool roof na produkto sa ibang kulay at anyo, bilang mga tiles o asphalt shingle. Ang mga puting cool roof ang pinakamabisa dahil ang mga ito ay nagrereflect ng visible light at infrared energy mula sa araw. Ang mga produkto sa mas madidilim na kulay ay maaaring hindi gaanong mabisa.
Cool roofs help keep buildings cool because they reflect more solar energy than typical roofs.
Ang video sa ibaba mula sa United States Department of Energy ay nagpapaliwanag kung paano makakatulong ang mga cool roof na mapababa ang temperatura ng bubong. Ginagawa nitong mas komportable ang loob ng gusali at maaaring mabawasan ang paggamit ng enerhiya sa mga gusaling may air conditioning.
Paghahambing ng estratehiya
Itapat ang iyong cursor sa tapat ng kahon para sa karagdagang impormasyon:
Pagpapabuti ng temperatura
Magdagdag ng cool roof + bentilasyon + panlabas na shutter
Magdagdag ng cool roof
I-insulate ang mga panlabas na pader at/o bubong
I-orient ang gusali upang mabawasan ang init ng araw
Maaaring gamitin sa mga kasalukuyang gusali
Madaling ikabit at mapanatili
Walang gastos sa enerhiya
Pagpapanatili
Mababang paunang gastos
Magdagdag ng air conditioning

Gusto mo bang matuto pa?

Mga madalas itanong (FAQ)Mga karagdagang sanggunianMedia at contact