Ano ang dapat mong malaman
- Palaging sundin ang mga ligtas na kasanayan kapag nagtatrabaho sa mga bubong.
- Ang mga cool roof ay nagbibigay ng mga benepisyo sa katamtaman at maiinit na klima at makakatulong sa iyo upang manatiling komportable o makatipid ng enerhiya.
- Maraming dual-purpose na produkto na nagsisilbing parehong waterproofing layer at cool roof material at ang paggamit ng isa mga ito ay maaaring makatulong sa iyo upang makatipid.
- Pinakamadali at pinakamura ang lumipat sa cool roof bilang bahagi ng isang regular na pagkabit or maintenance cycle.
- Kumonsulta sa mga supplier ng produkto para sa impormasyon upang matulungan kang magplano, magkabit at mapanatili ang iyong cool roof.
Step 1: Piliin ang mga tamang passive strategy
Suriin ang kasalukuyang sitwasyon. Upang makapili ng mga tamang passive strategy, kailangan mong isaalang-alang kung paano mo ginagamit at pinapanatili ang iyong gusali at kung saan ito nakatayo.
Ang aking gusali ay hindi gumagamit ng air conditioning — gusto kong maging mas komportable
Maraming mga gusali, kabilang ang ilang mga tahanan, paaralan, community centers at mga simbahan, ay hindi pinapalamig gamit ang mga mekanikal na sistema tulad ng air conditioning. Sa mga gusaling tulad nito, ang mga passive strategy ay makakatulong sa mga tao na maging mas komportable.
Kung ang iyong gusali ay nasa isang klima na nakakaranas ng mainit na temperatura sa ilang panahon o sa buong taon, ang pinakamabisang mga passive strategy ay:
Kung ang iyong gusali ay nasa isang klima na nakakaranas ng mainit na temperatura sa ilang panahon o sa buong taon, ang pinakamabisang mga passive strategy ay:
- Maglagay ng cool roof. Maaari nitong mabawasan ang temperatura sa buong gusali ng 1-3°C.
- Dagdagan ang bentilasyon sa pamamagitan ng pagpapalaki ng mga bintana o paglalagay ng mga portal. Ang mga ito ay pinakamabisa kapag malapit sa taas ng mga pader at magkatapat sa isa't isa upang hikayatin ang daloy ng hangin. Makakatulong ito na maging mas komportable ang mga tao.
- Magdagdag ng mga panlabas na takip o shutter sa mga bintana. Hinahayaan nitong harangan ng mga naninirahan ang araw kapag masyadong mainit at maaaring mabawasan ang temperatura sa isang silid ng 10-15°C!
Gumagamit ang aking gusali ng air conditioning — gusto kong makatipid ng enerhiya
Ang ilang mga gusali, tulad ng mga klinika, malalayong opisina, mga pasilidad ng imbakan para sa mga gamot o produktong pang-agrikultura, at iba pang mga uri ng pasilidad, ay dapat na mekanikal na palamigin gamit ang air conditioning. Mahalagang ipatupad ang mga passive cooling strategy sa mga gusaling ito upang mabawasan ang pangangailangan sa enerhiya at makatipid ng pera. Ito ay totoo kahit gumagamit ka ng air conditioning upang mapalamig ang ilang bahagi o ang iyong buong gusali.
Kung ang iyong gusali ay nasa lugar na nakakaranas ng mainit na temperatura sa ilang panahon o sa buong taon, ang pinakamabisang mga passive strategy ay:
Kung ang iyong gusali ay nasa lugar na nakakaranas ng mainit na temperatura sa ilang panahon o sa buong taon, ang pinakamabisang mga passive strategy ay:
- Magdagdag ng insulasyon sa kisame at mga pader.
- Maglagay ng cool roof.
- Magdagdag ng mga panlabas na takip o shutter sa mga bintana.
- Siguraduhing isara ang mga bintana at pintuan upang mapanatili ang malamig na hangin sa loob.
Step 2: Magplano para sa paglalagay
Pinakamadali at pinakamura ang lumipat sa cool roof bilang bahagi ng isang regular na cycle ng pagkakabit o pagpapanatili.
Ang bubong ng iyong kasalukuyang gusali ay mangangailangan ng pagkumpuni o pagpapalit paminsan-minsan. Ito ang tamang oras para lumipat sa isang cool roof dahil nangangahulugan ito na nagpaplano ka nang gawin ang kinakailangang trabaho at hindi mo na kailangang gumastos ng malaking pera upang gawin itong muli.
Kung ang iyong gusali ay nasa isang lokasyon na may tag-ulan at tag-araw, planuhin na gawin ang paglalagay sa panahon ng tag-araw. Karamihan sa mga produkto ay maaari lamang ilagay sa tuyong panahon at ang pagpaplano para dito ay makakatulong upang maiwasan ang pagkaantala.

Step 3: Hanapin ang tamang produkto
Ang paghahanap ng tamang produkto ay nangangahulugan ng paghahanap ng produkto na tugma sa iyong bubong at nagbibigay ng tamang balanse ng presyo, tibay, bisa, at dali sa paglalagay.
Paghahanap ng mga produkto na malapit sa iyo
Ang mga cool roof na produkto ay halos parehas sa ibang uri ng coating o mga produktong pintura at gawa ito ng maraming iba't ibang mga supplier sa buong mundo. Kung maaari, humanap ng isang lokal na supplier ng mga materyales ng cool roof. Mayroong ilang mga paraan upang mahanap ang mga produkto na malapit sa iyo:
- Ang Cool Roof Rating Council ay nagpapanatili ng direktoryo ng mga nasubok na produkto. Tingnan ang listahan ng mga manufacturer upang makita kung may nakikilala ka o hanapin ang kanilang mga pangalan upang makita kung mayroon silang mga lokal na sales department. Maraming pandaigdigang produktong panggusali ay mayroong mga lokal na supplier o distributor na makakatulong sa iyo.
- Maghanap online sa mga e-commerce website.
- Makipag-usap sa mga lokal na tindahan na nagsusupply ng mga pintura at materyales sa gusali. Maaaring mayroon silang mapagkukuhanan na mga cool roof na produkto sa pamamagitan ng kanilang mga supply chain at makakatulong sa iyong ipagugnayan ang isang order.
Maaaring mahirap makahanap ng mga produkto na lokal na nandiyan, at maaari mo ring makita na kailangan ang pag-import. Ang pag-aangkat ay maaaring maging isang kumplikado at mamahaling proseso kaya sulit na maglaan ng dagdag na oras upang patuloy na maghanap ng mga produktong lokal na nandiyan.
Pagpili sa pagitan ng mga produkto
Kapag natukoy mo na ang mga produkto na nariyan, kakailanganin mong pumili ng isa na tama para sa iyo. Ito ay magiging isang produkto na tugma sa iyong bubong at nagbibigay ng tamang balanse ng presyo, tibay, bisa, at dali sa pagkabit. Maaari kang makatipid sa pamamagitan ng pagpili ng isang dual-purpose na cool roof na nagbibigay din ng waterproofing.
Humingi ng impormasyon sa presyo at data sheet ng produkto (o technical data sheet) mula sa supplier. Ito ay magbibigay sa iyo ng lahat ng impormasyong kailangan mo upang makagawa ng desisyon.
Humingi ng impormasyon sa presyo at data sheet ng produkto (o technical data sheet) mula sa supplier. Ito ay magbibigay sa iyo ng lahat ng impormasyong kailangan mo upang makagawa ng desisyon.
Pagkakatugma
Maraming iba't ibang uri ng mga materyales ang bubong, kabilang ang kongkreto, metal, fibrecement, at marami pa. Sa kabutihang palad, may mga cool roof na produkto para sa halos lahat ng uri ng bubong. Iba't-ibang cool roof na produkto ang magiging angkop sa iba't-ibang bubong o mangangailangan ng iba't ibang hakbang sa paglalagay. Halimbawa, maaaring kailanganin ng isang produkto na magdagdag ka ng dalawang coat sa halip na isa kung maglalagay ka sa kongkreto.
Ang data sheet ng produkto ay dapat makapagsabi kung ang produkto ay angkop sa materyal ng iyong bubong at kung mayroong anumang mga espesyal na tagubilin para sa paglalapat nito sa ganoong materyal. Kung hindi kasama sa data sheet ang impormasyong iyon, kumpirmahin sa supplier na angkop ang produkto sa iyong bubong.

Presyo
Ang kabuuang halaga ng paglalagay ay kasama ang mga kagamitan, logistiks at paggawa, idagdag ang cool roof na produkto mismo. Maaaring asahan na ang kabuuang halaga ay humigit-kumulang $5-15 USD bawat metro kuwadrado ng bubong maliban kung kinakailangan ang pag-aangkat.
Ang halaga ng cool roof na produkto mismo ay depende sa bisa at tibay ngunit maaaring humigit-kumulang $3 USD bawat metro kuwadrado ng bubong. Maaaring mas mahal ang mga produkto kung nasuri ang mga ito na magtatagal ng mas matagal, o kung nagbibigay ang mga ito ng mas mataas na reflectance o emittance. Karaniwang nasa 19-litro na lalagyan ang mga produkto ngunit maaaring mas mura ang mga ito kung makakabili ka nang maramihan.
Upang makuha ang halaga ng iba't ibang cool roof na produkto, mahalagang isaalang-alang ang coverage rate at kung kailangan ng maraming coats. Ang coverage rate ay naglalarawan kung gaano kalaking bahagi ng bubong ang maaaring pahiran gamit ang 1 litro ng produkto. Ang isang kongkretong bubong ay maaaring may mas mababang converage rate kaysa sa isang metal na bubong dahil ang produkto ay nasisipsip ng kongkreto at marami pa ang kailangan upang makamit ang isang mapanimdim na huling hitsura. Ang impormasyon tungkol sa coverage rate ay matatagpuan sa data sheet ng produkto.
Nasa ibaba ang isang halimbawa na nagpapakita kung paano makakaapekto ang coverage rate at ang bilang ng mga coat na kailangan sa halaga ng iba't ibang mga cool roof na produkto. Mas mura ang Produkto 1 bawat lalagyan at may mas mataas na coverage rate, ngunit mas mura ang Produkto 2 sa pangkalahatan dahil nangangailangan lang ito ng isang coat.
Para sa isang gusaling may bubong na 100 m2:

* Kabuuang volume = (Sukat o Area ng bubong * Bilang ng mga coat) / Coverage rate
** Bilang ng mga lalagyan (i-round up) = Kabuuang volume / Volume ng bawat lalagyan
** Bilang ng mga lalagyan (i-round up) = Kabuuang volume / Volume ng bawat lalagyan
Tibay
Ang tibay ng produkto ay masusukat sa bilang ng taon. Ang ilang murang produkto ay maaaring matibay lamang sa loob ng 3 taon habang ang iba ay matibay sa loob ng 5 taon, 7 taon, o mas matagal pa. Ang impormasyon tungkol sa tibay ay dapat isama sa data sheet ng produkto.
Mahalagang isaalang-alang ang tibay kapag pinagaaralan ang presyo. Ang isang produkto na mura ngunit kailangang palitan ng madalas ay maaaring mas mahal sa paglipas ng panahon kaysa sa isang pagpipilian na mas mataas ang halaga sa una ngunit mas matibay.

Bisa
Karaniwang nailalarawan ang bisa ng cool roof gamit ang mga sukat ng solar reflectance (o reflectivity) at thermal emittance (o emissivity). Ang isang pinakamabisang cool roof ay magkakaroon ng mataas na solar reflectance (>70%) at mataas na thermal emissitance (>75%). Minsan maaari mong makita ang mga ito na pinagsama sa isang numero na tinatawag na Solar Reflectance Index (SRI) kung saan ang pinakamabisang cool roof ay magkakaroon ng mataas na SRI (>82).
Bumababa ang bisa ng cool roof sa paglipas ng panahon habang tumatagal ang produkto mula sa pagkakalantad sa ultraviolet light, ulan, at iba pang mga salik sa kapaligiran. Maaari kang makakita ng iba't ibang mga rating para sa isang produkto, isang paunang rating at isang rating para sa 3 taon.
Ang impormasyong ito ay minsan nakalagay sa data sheet ng produkto o website ng manufacturer. Kung hindi mo ito mahanap, huwag mag-alala — alamin na ang puti at maliwanag na kulay na mga coatings ay laging mas mabisa kaysa sa pula o madilim na kulay na mga bubong, kabilang ang mga makintab na metal na mga bubong.

Dali ng paglalagay
Karamihan sa mga cool roof na produkto ay mga liquid-applied coatings na madaling ilagay gamit ang mga karaniwang kagamitan tulad ng mga walis at rolling brush. Walang magiging malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga coating products sa bagay na ito.
Ang iba pang mga uri ng mga cool roof na produkto tulad ng mga shingles, roof tiles at membranes ay mangangailangan ng iba't ibang kasanayan at kagamitan, at maaaring mas mahirap ilagay.
Ang data sheet ng produkto ay may marami pang impormasyon tungkol sa kung paano ilagay ang produkto.

Waterproofing
Maraming mga produkto na dual purpose na nagbibigay ng bisa ng cool roof at waterproofing. Maaaring makatulong sa iyo ang mga produktong ito na makatipid — kung kailangan mo nang waterproofing layer para sa iyong bubong, maaari kang makakuha ng bisa ng cool roof sa maliit o walang karagdagang gastos.
Gayunpaman, siguraduhin na ang produkto ay sertipikadong gamitin para sa waterproofing kung balak mong gamitin ito para sa layuning ito. Hindi lahat ng mga cool roof na produkto ay nagbibigay ng benepisyong ito, at nanganganib na magkaroon ng mga tulo kung hindi ka magbibigay ng wastong waterproofing para sa iyong bubong. Basahin ang data sheet ng produkto o ikonsulta sa supplier para kumpirmahin na ang produkto ay waterproof.

Step 4: Maghanda sa paglalagay
Kakailanganin mong kunin ang mga tamang kagamitan at ayusin ang iyong kasalukuyang bubong kung kinakailangan.
Ang paglalagay ng mga cool roof na produkto, lalo na ang mga coatings, ay maaaring maging direkta gamit ang mga karaniwang kagamitan tulad ng walis, brush, at roller. Basahin ang data sheet ng produkto o makipag-ugnayan sa supplier upang maunawaan ang mga hakbang sa paglalagay na kinakailangan para sa iyong produkto, at alamin at kunin ang anumang mga kagamitan na kakailanganin mo. Tiyaking mayroon kang kagamitan sa kaligtasan para sa pagtatrabaho sa bubong.
Kung ilalagay ang cool roof na produkto sa isang kasalukuyang gusali, kakailanganin mong suriin na ang bubong ay nasa mabuting kondisyon. Linisin ito at ayusin ang anumang mga butas gamit ang sealant ayon sa mga tagubilin mula sa supplier ng sealant.
Maghintay para sa isang magandang panahon.

Step 5: Ilagay ang iyong cool roof
Siguraduhing sundin ang mga ligtas na kasanayan para sa pagtatrabaho sa isang bubong, kabilang ang paggamit ng mga kagamitang pangkaligtasan at pagpapahinga.
Ang kaligtasan ay pinakamahalaga. Ang sinumang nagtatrabaho sa bubong ay dapat gumamit ng kagamitang pangkaligtasan, masanay sa paggamit ng mga kinakailangang kagamitan, at maunawaan ang mga hakbang na kinakailangan upang makumpleto ang paglalagay. Gumamit ng sunscreen, uminom ng tubig at magpahinga sa malilim kung nagtatrabaho nang mahabang panahon sa ilalim ng araw.
Siguraduhing maingat na sundin ang mga tagubilin sa paglalagay. Ilagay ang tamang bilang ng mga coat sa kinakailangang kapal. Kapag tapos na ang trabaho, alisin ang anumang mga kasangkapan at iwanang malinis ang bubong.

Step 6: Panatilihin ang iyong cool roof
Magplano para sa regular na pagpapanatili upang matiyak na ang iyong cool roof ay magbibigay ng mga benepisyo na iyong inaasahan.
Nababawasan ang bisa ng mga cool roof na produkto sa paglipas ng panahon dahil sa pagkalantad sa kapaligiran ngunit ang regular na pagpapanatili ay mahalaga upang panatilihing ito ay gumagana at hangga't maari nasa pinakamagandang kondisyon. Suriin ang data sheet ng produkto o makipag-usap sa supplier upang maunawaan ang mga kinakailangan sa pagpapanatili.
Paminsan-minsan, linisin ang bubong mula sa dumi at anumang bagay na tumutubo. Kung gumamit ka ng cool roof coating na produkto, maglagay ng refresher coat lagi ayon sa mga tagubilin ng supplier.
Paminsan-minsan, linisin ang bubong mula sa dumi at anumang bagay na tumutubo. Kung gumamit ka ng cool roof coating na produkto, maglagay ng refresher coat lagi ayon sa mga tagubilin ng supplier.